THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Wednesday, July 30, 2008

Kakaibang Sining ng Tinguian- Saysay ng Tagumpay

Alam niyo ba kung bakit ang probinsya ng Abra ay isa sa pinakadayung lugar sa hilaga ng Pilipinas?

...siguro hindi, kaya basahin n'yo ito...

Ang Abra ay parang kaha de yero ng mga simpleng kasiyahan para sa mga manlalakbay na gustong maranasan ang tunay na kalikasan, at ito din ang lugar para sa mga taong gustong makisalamuha kakaibang kultura ng mga Tinguian.

Mahilig magpaganda ang mga katutubong ito. Mahilig magsuot ng gintong kwintas at hikaw na tingga ang mga babae. Nagsusuot naman ng malalapad na salkot ang mga magsasaka.

Ang paghahabi ay isa na sa mga mahalagang gawain ng mga babae para na rin sa ekonomiya ng tribu. Gumagawa sila ng makukulay na tapis bilang damit o banig. Ang disenyo hango sa wangis ng mga hayop ay ang laging nakikita sa kanilang mga hinabing produkto.

Ang kanilang sining ay nagpapahiwatig na rin ng kanilang tagumay. Ang buhay nilang sining ay isang ebidensya ng kanilang matatag na kultura.

Marami sa mga produkto nila ay makikita sa Pamora Farms sa Garreta, Pidingan Abra o di kaya sa Makati dahil kay Arestiina Morados, isang kayuyubong Tinguian na ngayon ay doon na nagtatrabaho.


-dagao

karagdagan...

Tinguian
Matatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Nagtatanim sila ng palay sa mga kapatagan at sa mga bai-baitang na palayan. Mahilig sila sa musika, damit at personal na palmuti. Naglalagay sila ng tatu at iniitiman ang ngipin upang akitin ang napupusuan.
Naniniwala ang mga Tinguian sa pagkakaroon ng isang asawa lamang. Itinuturing nilang krimen ang pagtataksil sa asawa at pinapatawan ng malaking multa ang sinumang muling nagtataksil. Walang multa kung kusa ang paghihiwalay ng mag-asawa.
-dagao

Problemang kinakaharap ng mga Tinguian

Ang agrikultura na pamumuhay ng mga Tinguian ay bumaba dahil sa pagdating ng Virginia tobacco noong 1960's. Ang atensyon ng mga magsasaka ay napunta sa pagtatanim ng Virginia tobacco at nawalan na ng atensiyon ang pagtatanim ng palay at ibang mahalagang pagkain. Maliit lang ang naging kaunlaran ng pagtatanim ng tobacco sa ekonomiya ng Tinguian. Nagkaroon ng manipulasyon sa presyo ng tobacco at ang mga magsasaka na Tinguian ay nadaya dahi sa maliit lang na pagbili sa dahon ng tobacco. Ang ekonomiya ng Tinguian ay hindi umunlad at hindi binigyan ng pansin ang kanilang bulubundoking lugar. Noong si Marcos pa ang nakaupo bilang presidente ay nagkaroon sila ng malaking pagnanasa na pasukin ang kanilang lugar upang putulin ang mga kahoy at pagproseso ng kanilang mga produkto upang gawing mapagkakakitaan.
-ngisi

Tinguian: Pambihirang Talaga

Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol at magpasahanggang ngayon ay itinuturing na kaiba ang Tinguian sa lahat ng mga tribo dito sa Pilipinas sapagkat sila ay hindi kasing-itim ng mga ibang mga tribo na ating nakasanayan, singkit rin ang kanilang mga mata at mas pinahahalagahan nila ang agrikultura kung ikukumpara sa ibang tribo, na pinakaunang ikinabubuhay ay ang pangangaso. Kaya sinasabing nagmula sila sa mga tsino na nangalakal sa ating bansa noong sinaunang panahon. Kinakitaan rin ang mga Tinguian ng mga banga at mga pinggan na galing Tsina. Di katulad ng mga ibang tribo na sinasabing mula sa mga Negrito, Indones at mga Malay.

Kilala rin sila sa malikhain nilang mga desinyo ng hinabi, kwintas at mga palayok o paso. Ang mga isinusuot nila ay mga sarili nilang gawa at may iba't-ibang uri ng damit ang mga kasapi ng tribo. Ilan sa mga ito ay ang balwasi na para sa mga babae, ito ay puti at may mga guhit sa gitna. Meron ding bankudo o piningitan na saya parasa mga babae, puti rin ito ngunit may pula sa gilid. Gumagawa rin sila ng maga kumot na sagana sa maraming disenyo tulad ng mga larawan ng mga tao, hayop, halaman at iba pa. Gumagawa rin sila ng mga basket na siyang ginagawa nilang lalagyan ng pagkain at mga kalakal.
Nagtatanim sila ng palay sa mga kapatagan at sa mga bai-baitang na palayan. Mahilig sila sa musika, damit at personal na palamuti. Naglalagay sila ng tatu at iniitiman ang ngipin upang akitin ang napupusuan.

Naniniwala ang mga Tinguian sa pagkakaroon ng isang asawa lamang. Itinuturing nilang krimen ang pagtataksil sa asawa at pinapatawan ng malaking multa ang sinumang muling nagtataksil. Walang multa kung kusa ang paghihiwalay ng mag-asawa.

-guti




Tuesday, July 29, 2008

Tinguian; Ugat ng kakilanlan



Isa sa mga ipinagmamalaking tribo ng Pilipinas ay ang Tinguian na hanggang ngayon ay nanatili pa ring buhay at masigla ang kultura, sa kabila ng mga pagbabago sa lipunan.
Ang salitang "Tinguian" ay kinuha marahil sa isang Malay na salita na ang ibig sabihin ay bundok o matatas na lupain at marahil ay ipinukol ang salitang ito sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Ito kasi ang salitang itinatawag ng mga Espanyol sa lahat ng mga tao o tribong nakatira sa mga bundok s buong arkipelago tulad ng Zambales, Bohol, Basilan, at Mindanao. Ngunit ngayon ang mga natatanging gumagamit nito ay mga kapwa nating Pilipino na naninirahan sa mga bundok ng Abra, Ilocos Sur at Ilocos Norte.


-guti-