THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Wednesday, July 30, 2008

Tinguian: Pambihirang Talaga

Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol at magpasahanggang ngayon ay itinuturing na kaiba ang Tinguian sa lahat ng mga tribo dito sa Pilipinas sapagkat sila ay hindi kasing-itim ng mga ibang mga tribo na ating nakasanayan, singkit rin ang kanilang mga mata at mas pinahahalagahan nila ang agrikultura kung ikukumpara sa ibang tribo, na pinakaunang ikinabubuhay ay ang pangangaso. Kaya sinasabing nagmula sila sa mga tsino na nangalakal sa ating bansa noong sinaunang panahon. Kinakitaan rin ang mga Tinguian ng mga banga at mga pinggan na galing Tsina. Di katulad ng mga ibang tribo na sinasabing mula sa mga Negrito, Indones at mga Malay.

Kilala rin sila sa malikhain nilang mga desinyo ng hinabi, kwintas at mga palayok o paso. Ang mga isinusuot nila ay mga sarili nilang gawa at may iba't-ibang uri ng damit ang mga kasapi ng tribo. Ilan sa mga ito ay ang balwasi na para sa mga babae, ito ay puti at may mga guhit sa gitna. Meron ding bankudo o piningitan na saya parasa mga babae, puti rin ito ngunit may pula sa gilid. Gumagawa rin sila ng maga kumot na sagana sa maraming disenyo tulad ng mga larawan ng mga tao, hayop, halaman at iba pa. Gumagawa rin sila ng mga basket na siyang ginagawa nilang lalagyan ng pagkain at mga kalakal.
Nagtatanim sila ng palay sa mga kapatagan at sa mga bai-baitang na palayan. Mahilig sila sa musika, damit at personal na palamuti. Naglalagay sila ng tatu at iniitiman ang ngipin upang akitin ang napupusuan.

Naniniwala ang mga Tinguian sa pagkakaroon ng isang asawa lamang. Itinuturing nilang krimen ang pagtataksil sa asawa at pinapatawan ng malaking multa ang sinumang muling nagtataksil. Walang multa kung kusa ang paghihiwalay ng mag-asawa.

-guti




0 comments: