THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Friday, August 15, 2008

Reproductive Health Bill; Deal or No Deal?

Sa kasalukuyan, ayon sa National Statistics Office o NSO, halos nasa siyamnapung milyon na ang bilang ng mga Pilipino at patuloy pang nadaragdagan. Dahil sa bilang na ito ay itinuturing na isa ang Pilipinas sa pinakamalaki ang populasyon sa Asya. Dahil na rin dito ay nangangamba ang karamihan na baka hindi na maaagapan ng mga Pilipino ang naturang sitwasyon sa Pilipinas.
Sa makatuwid ay nangangailangan na ng maagap na solusyon ang bansa ukol sa suliraning ito at isa na nga sa inirekomenda ng mga mambabatas sa pangunguna ni Edcel Lagman ang Reproductive Health (RH) bill.
Ito ay isang batas na naglalayong makatulong sa programa ng gobyerno sa pagpigil ng mabilis na paglobo ng populasyon ng Pilipinas.
Ang mga nakapaloob sa batas na ito ay ang sumusunod:(1)Mga impormasyon sa mga pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya sa natural at modernong aspeto, na higit sa lahat ay ligtas at legal. Isinasaalang-alng din sa batas na ito na may kalayaan ang mga mag-asawang pumili ng kahit na anong pamamaraan base na rin sa kanilang mga personal na panagangailangan at relihiyong paniniwala.(2) Mabuting kalusugan at nutrisyon para sa mga nagdadalang-tao, sanggol at bata(3) Pagsulong ng “breast feeding” (4)Pagpigil sa aborsyon at “management of post-abortion complications” (5) Kabataang pangkalusugan (6) Pagpigil ng “reproductive tract infections”, HIV/AIDS at STDs (7) pagsugpo sa panglalapastangan sa mga kababaihan (8) Pagpapayo ukol sa sekswalidad at “reproductive health”(9) Panggagamot ng “breast” at “reproductive tract cancers” (10) Partisipasyon at pakikilahok ng mga kalalakihan sa RH; (11) Pagpigil at panggagamut sa mga walang kakayahang magkaanak (12) RH “education” para sa mga kabataan.
Kung tutuusin ay mabuti naman ang hangarin ng nasabing batas at higit sa lahat ay makakatulong ito sa pagpigil ng paglobo ng populasyon, na isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit naghihirap ang karamihan sa ating mga kababayan sanhi na rin ng malalaking kakulangan ng pondo ng gobyerno na matustusan and malaking populasyon ng Pilipinas na patuloy pang lumalaki.
Ngunit sa kabila ng katotohanang, ito'y makakapaghatid ng mabuting dulot sa bansa ay mainit at matindi ang pagtutol ng Simbahang Katoliko laban dito. Dahil na rin sa paniniwalang labag ito sa batas ng Dakilang Maylikha, ayon na nga sa isa sa mga hindi makakalimutang binitiwang kataga ng Diyos na "go to the world and multiply".
Kung sabagay tama rin naman ang Simbahan na labag ito sa sinabi ng Diyos ngunit tama bang hayaan na lang natin ang kasulukuyang problema ng Pilipinas? Sa halip ay hayaang magdusa ang maraming Pilipino na laging nangangalam ang mga sikmura?
Sa palagay namin ay hindi, dahil kung tutuuisin ang kahirapan ang nagdudulot at nagtutulak sa sangkatauhan na gumawa ng masama. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na dahil sa kakulangan ng pera ay marami sa atin ang nakukumbinsing magnakaw, pumatay at apakan ang kapwa tao. Hindi ba mas matindi pa itong kasalanan at paglabag sa Diyos? At kung tutuussin ito pa nga ang ipinagbabawal ng Diyos sa atin. Kung kaya sana ay timbangin munang mabuti ng Simbahan at pag-aralan ang batas na ito, ang implikasyon nito sa lipunan at higit sa lahat ang kalagayan ng bansa ngayon.
Isa rin sa napapabalitang dahilan ng pagtutol ng simbahan dito ay ang kadahilanang, naniniwala sila na hahantong ito sa pagpapatupad ng batas na magpapahintulot sa aborsyon sa bansa,na maituturing na di kanais-nais at higit sa lahat ay isang kasalanan sa Diyos.
Ngunit sa aming palagay ay naging mapanguna lamang ang Simbahan sapagkat malinaw namang nakasaad sa RH ang pagpigil sa aborsyon at ang sinsabing “management of post-abortion complications” ay nangangahulugan lamang na pagsulong sa makataongpakikitungo sa mga kababaihan sa mga delikadong sitwasyon at ang aborsyon ayon na rin sa batas ay nanatili pa ring isang krimen.
Kaya sa kabila ng katotohanang kami ay mga Kristiyano at binyagan ng Simbahan ay hindi tumututol sa Reproductive Health bill sapagkat naniniwala kaming isa ito sa mga sagot upang maibsan ang pagkakalubog ng karamihan ng ating mga kababayan ngunit kami ay nananatili pa ring bukas sa mga ideya ng simbahan at mananatili pa ring mapanusi sa inilalakad ng pamahalaan.
-guti

0 comments: