THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Sunday, August 17, 2008

LimA, +1 na mGa DAhiLAn kUnG BAkIT aYaw KonG MABUhay SA paNAhon Ng mGa EspAnYoL


Ipagpapalit mo ba ang buhay mo sa kasalukuyan upang maranasan ang uri ng pamumuhay sa panahon ng mga Espanyol? Bakit?

Hindi ah!
Ang hirap kaya ng buhay no’n. dapat ka pang yumuko pagnakakita ka ng gwardiya sibil. Ayoko talaga kahit sabihin pa nila na pwede kong makausap si Rizal kung papayag ako
.

Sabihin nalang natin na ang kasalukuyan kong estado sa kumonidad ay siya ring magiging estado ko sa nakaraan, mahihirapan talaga ako. Bakit ako mahihirapan? Bakit ayokong mamuhay sa panahong yaon?

Una, dahil sa ako ay KARANIWANG PILIPINO, o indyo, filibustero, o kung ano pang gusto nilang itawag sa akin. Sa dugo kong purong pinoy, mamaliitin talaga nila ako… lalo na sa kulay ng ating balat- kayumanggi. Hindi naman ako ang gaya ni Rizal na mestizo na may kayang makapag-aral sa labas ng bansa. Ngayon, libre naman ang pag-aaral, at hindi ko na kailangang lumuwas pa ng bansa upang makakamit ng magandang uri ng edukasyon.

Pangalawa, dahil sa mga BUWIS na sinisingil nila. Makapagmay- ari ka lang ng kahit isang kalabaw ay papatawan ka na ng pakalakilaking buwis. Ang higpit- higpit pa sa pangungulekta kung saan mabubutas talaga ang bulsa ng pantaloon mong wala nangang bulsa .E, kung I kukumpara ngayon, mataas nga ang buwis, ‘di naman gano’n kahigpit ang pagsingil… at kung magbabayad ka man, kahit papano, may babalik sayo ‘di gaya noon na wala talaga. Lahat ng binabayad mo, sa bulsa lang ng maga opisyales mapupunta, o di kaya’y sa bansa ng mga mananakop.

Pangatlong dahilan kung bakit ‘di ko ipagpapalit ang ngayon ay dahil sa MAHIHIGPIT at NAGMAMALABIS nilang mga patakaran. Gaya nga ng nasabi ko na, dumaan lang ang isang gwardiya sibil, todo yuko na kung hindi, paghahagupit sa plasa ang matatamo… at may patakaran pang kailangan talagang maglagay sa koleksyon ng simbahan… Mayroon ba talagang SAPILITANG pagbibigay ng DONASYON sa simbahan? At, sila pa ang nagtatakda kung anong oras ka dapat matulog… pano nalang pag may kasiyahan o di kaya’y ayaw mo pang matulog?

Pangapat, NAKAKABAGOT ang buhay nila. Oo nga’t may mga senakulo, palabas at pista kung kelan masaya lahat, pero, ano naman ang katuwaan kung walang pista o iba pang okasyon? Gong? Wala noong telebisyon, cellphone at computer, kaya wala talagang kasiyahan. May sabong nga, para lang naman yon sa mga lalaki, ayoko namang magburda lang sa loob ng bahay… at wala pang karapatan ang mga babae. Na parabang gamit lang sila sa bahay na gagamitin lang kung kailangan.

Lima, ang paraan ng kanilang HUSTISYA. Pag Filipino ka, kahit yung banyaga ang may kasalanan, ikaw ang may sala, ikaw ang makukulong. At kahit wala ka pang kasalanan, di ka na dapat magtaka pa kung isang araw ay kakaladkarin ka palabas ng bahay dahil may nagawa kang di kasiyasiya para sa mga prayle…

+1 Kung Filipino ka, kahit napakatalino mo, kahit anong husay mo, kung halimbawa sa isang palaro ikaw ang nanalo, babawiin talaga ng gintong medalya dahil… Filipino ka. Aba, ayoko yata ng gano’n. e kung sa ako talaga ang nanalo, wala nang bawian…
-dagao

0 comments: