Price Mansion
Ang Price Mansion ay ginamit na pansamantalang pamahalaan alinsunod sa proklamasyon ng restorasyon ng civil na pamahalaan ng Pilipinas. Ito rin ay nagsilbi bilang tanggapan ni General Douglas MacAthur noong World War II.
Sa ngayon, and Price Mansion ay pagaari ng College Assurance Plan na patuloy na tinatangkilik ang makasaysayang lugar at kultura. Ang Price Mansion ngayon ay ang itinatyuan ng opisina ng CAP, Tacloban City. Walang masyadong ginawang pagbabago sa gusaling ito, ang orihinal na arkitektura ay nasa magandang preserbasyon pa rin.
Itinatampok ng Price Mansion ang memorabilia ni MacArthur, ang sining na galleria, at ang sentro ng conperensya. Sa kanan nga mansion, harapan ng Romualdez street ay ang istatua ni McArthur at Osmeña- dalawang personalidad ng Leyte Landing noong 1944, isang palatandaan ng digmaan sa Leyte at ng paglaya ng Pilipinas sa mga Hapon.
Ang Istatuwa ni MacArthur at Osmeña
Noong October 23, 1944, Ibinalik ni General Douglas MacArthur ang Philippine Commonwealth ng Tacloban kasama si Pangulong Sergio Osmeña.
Sa puntong ito, ang Tacloban ay naging punong tanggapan ng liberasyong sundalo ng Estados Unidos at ang Upuan ng pamahalaan ng Commonwealth ng Pilipinas.
Sa ngayon, ang istatua ni MacArthur at Osmeña, mataas na itinayo kasama ang opisina ng CAP Tacloban (dating Price Mansion), ay naging ispirasyon ng kasaysayan nang iprinoklema ni General Douglas MacArthur ang pagpapatuloy ng Constitutional Government sa kamay ni Pangulong Sergio Osmeña. Ito ay isinilbing alaala at representasyon ng debosyon ng malayang proceso at istruktura.
Sino si Walter Scott Price?
Si Walter Scott Price ay isinilang sa Philadelphia, Pennsylvania. Sa 17 taong gulang, pumasok siya sa U.S. Army at sa 21 taong gulang ay ipinalaga siya sa Pilipinas noong pagsimula ng digmaang Spanish-American. Ang katapusan niyang misyon bago nakuha ang pagtatapos sa army matapos ang digmaan noong 1901 ay nakilala at pinakasalan niya si Simeona Kalingag, isang Caviteña noong January 1, 1901, bilang isang negosyante, nakita niya ang potential na makapagsimula ng negosyo. Nagdesisyon siya na manirahan sa Tacloban, Leyte at sinimulan niya ang Leyte Transportation Company, Limited (Letranco) at ang Bazar Gran Capitan, sa ibang aspeto ng negosyo.
Sa walang oras, Walter Scott Price ay nagtagumpay sa kanyang negosyo at naging prominenteng mayamang tao. Naging masaya siya sa pagiging mayaman at hindi nahiya sa kanyang pinaghirapang tagumpay. Nagtayo si Price ng isang engrandeng mansion sa Tacloban at sa distrito ng Paco sa Manila para sa kanyang asawa at sa kanyang pitong lumalaking anak (Sa katunayan, si Mrs. Price ay nanganak ng 18 na sanggol pero 11 lang ang nabuhay). Dahil sa kanyang mga mansion ay naging popular siya dahil maraming mga kasiyahan ang nangyayari dito tulad ng mga pagtitipon, political man o lokal.
Si Walter Scott Price ay binansagang "Hari ng Leyte". 6 na talampakang taas, lahat 225 lbs., at laging magara ang kanyang kasutoan. Siya ay kumikilos at namuhay na parang hari! Pero sa lahat nga kanyang kayamanan, kapangayarihang sosyal at political, si Walter Scott Price ay mas pinatandaan bilang mapagbigay at masayahin na tao. Mahal siya ng mga tao dahil lagi siyang puno ng buhay, laging handang ngumiti at marunong tumulong sa mga nangangailangan.
Nang umatake ang Hapon sa Tacloban, Si Walter Scott Price ay dinala kasama ang ibang mga bilanggong Amerikano sa Santo Tomas Prison Camp. Dapat kasama siya sana sa pangalawang eskapo pero hindi siya nagtagumpay. Talagang naging mahirap ang kalagayan niya sa bilangguan at nagkasakit siya ng beri-beri at dysentery. Nang sa wakas na napalaya siya ng mga Hukbong Amerikano, ang noong mabigat na Walter ay naging payat na payat na 95 lbs. Dinala siya kaagad sa ospital pero dahil sa pinahirapan siya ng labis ay pagkatapos ng ilang linggo, ay namatay si Walter noong March 18, 1945. Siya ay 68 na taong gulang. Simeona, ang asawa ni Walter ay namatay noong August 30, 1973, apat at kalahating buwan matapos ang kanyang isang daang taong kaarawan, 28 taong pagkatapos mamatay si Walter.