Una sa lahat, ano ba ang rebolusyon? Ang rebolusyon ay isang kilusan kung saan ipinaglalaban mo ang iyong mga adhikain. Mga adhikaing sa paniniwala mo’y makakatulong sa pag- unlad ng tao, sa pag- unlad ng bayan… sa pag- unlad ng bansa.
Ano na ba dapat ang maging dahilan ng rebolusyon ngayon?
Tapos na ang panahon ng ga Espanyol, wala na sila. Wala na rin tayo sa control ng mga Americano… higit sa lahat, wala na rin ang dating tensyon sa gitna ng mga Filpino at mga Hapones… nag sasarili na ang Pilipinas…Wala na ba talaga tayong mga dahilan na sa tingin natin ay makakatulong sa bansa? Sapat na ba na alam nating wala na tayo sa kamay ng ga mananakop?
O, di naman kaya’y hanggang ngayon ay hawak parin nila tayo sa mapaglaro nilang kamay?
Wala na nga ang mga dayuhan, pero, ang isipan natin ay bilanggo parin ng ng mga mananakop. Nasaan na ang pagiging makabayan nating mga Filipino?! Nasaan na ang nasyonalisong hinihingi sa’tin ng inang bayan? Nasaan na ang simpatya natin para sa bansang Pilipinas?!
Tiwala nga sa sarili ay wala na sa atin, ano pa kaya ang tiwala natin sa bayan?
Sa kasalukuyan, libo- libong Filipino ang lumuluwas sa ibang bansa dahil sa pagiisip na wala na silang magandang kinabukasan sa Pilipinas. Halos lahat ay kumukuha ng kurso nasa pag tatapos nila ay makaka pag-abroad sila kaagad. Isa pa yan. Ang pamahalaan ay nagbubulagbulagan sa cancer na unti- unting pumapatay sa bayan. Ang cancer ng pagkawala ng nasyonalismo ng mga Filipino.
Nakakatawa ang pag “appreciate” ng pamahalaan sa mga OFW. Tinuturin pa nga silang makabagong bayani dahil sa pinapasok nilang dolyares sa bansa. Pero, diba, upang ikaw ay maturing na bayani, dapat ay may ginawa ka na sakripisyo para talaga sa bayan?
Kawalan ng tiwala sa pamahalaan ang dahilan ng pag luwas ng mga Filipino.( Tapos pinaparangalan sila ng pamahalaan? Tsk tsk tsk…)Iniisip lang naman nila na matulungan ang pamilya… ang “tulong” nila sa bansa ay di naman talaga sinadya. Epekto lang ito at hindi ang s’yang tunay na layunin.
Gusto naming ipaglaban ang nasyonalismo. Gusto naming ibalik ng mga Filipino ang tiwala nila sa bayan. gusto naming maipagmalaki uli ng mga tao na sila ay Filipino.
Hindi ito mangyayari kung hindi sa isa’t- isa sa atin magmumula ang pagbabago. Walang mangyayari sa bansa kung hindi natin sisimulan ang rebolusyon laban sa ating sarili. Rebulosyon laban sa sarili nating kawalan ng tiwala, laban sa pag-iisip na kolonyal.
Wala talagang mangyayari sa atin kung ang nasa isip lang natin ay mas magaling ang mga dayuhan, walang mangyayari sa atin kung ang nasa isip lang natin ay wala tayong magagawa.
Magsisimula kami ng rebolusyon laban sa mga Filipinong walang tiwala sa sarili, sa mga Filipinong pinapabayaan ang bayan, sa mga Filipinong ayaw mag simula ng rebolusyon para sa sariling pagbabago!
Tatawagin naming an gaming rebulosyon na “Sarili muna Bago Bayan”…dahil kung walang magandang pagbabago sa sarili, wala kang maitutulong sa bayan!
Dagao=)
1 comments:
wala pang comment si ma'am.....
Post a Comment