THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Wednesday, October 8, 2008

Kagandahan ng Price Mansion

Ang "Joseph Price Mansion" ay isang american-style na mansyon na ipinatayo noong 1910 ni Walter Scott Price. Isa ito sa mga hindi malilimutang makasaysayang pook sa Tacloban. Sa kasalukuyan ang mansyon ay isa nang pangkomersyal na gusali na pag-aari ng College Assurance Plan(CAP) at kilala na sa tawag na CAP Building. Sa tinagal-tagal ng panahon ay nanatili pa rin ang orihinal na itsura ng gusali. Sa loob makikita ang maliit na museo ng mga memorabilya nina Heneral Douglas MacArthur at Sergio Osmeña na nanirahan sa mansyon sa panahon ng Amerikano. Makikita din ang butas sa bubong na dulot ng panbobomba ng mga Hapones. O, diba, pati World War II, makikita mo pa sa Price Mansion... at dito lang yan sa Tacloban. Talagang di makukumpleto ang bakasyon mo sa Tacloban kung di mo mapuntahan ang lugar na ito.Ü
-hamili

Tuesday, September 30, 2008

Price Mansion


Price Mansion

Ang Price Mansion ay ginamit na pansamantalang pamahalaan alinsunod sa proklamasyon ng restorasyon ng civil na pamahalaan ng Pilipinas. Ito rin ay nagsilbi bilang tanggapan ni General Douglas MacAthur noong World War II.
Sa ngayon, and Price Mansion ay pagaari ng College Assurance Plan na patuloy na tinatangkilik ang makasaysayang lugar at kultura. Ang Price Mansion ngayon ay ang itinatyuan ng opisina ng CAP, Tacloban City. Walang masyadong ginawang pagbabago sa gusaling ito, ang orihinal na arkitektura ay nasa magandang preserbasyon pa rin.
Itinatampok ng Price Mansion ang memorabilia ni MacArthur, ang sining na galleria, at ang sentro ng conperensya. Sa kanan nga mansion, harapan ng Romualdez street ay ang istatua ni McArthur at Osmeña- dalawang personalidad ng Leyte Landing noong 1944, isang palatandaan ng digmaan sa Leyte at ng paglaya ng Pilipinas sa mga Hapon.

Ang Istatuwa ni MacArthur at Osmeña

Noong October 23, 1944, Ibinalik ni General Douglas MacArthur ang Philippine Commonwealth ng Tacloban kasama si Pangulong Sergio Osmeña.
Sa puntong ito, ang Tacloban ay naging punong tanggapan ng liberasyong sundalo ng Estados Unidos at ang Upuan ng pamahalaan ng Commonwealth ng Pilipinas.
Sa ngayon, ang istatua ni MacArthur at Osmeña, mataas na itinayo kasama ang opisina ng CAP Tacloban (dating Price Mansion), ay naging ispirasyon ng kasaysayan nang iprinoklema ni General Douglas MacArthur ang pagpapatuloy ng Constitutional Government sa kamay ni Pangulong Sergio Osmeña. Ito ay isinilbing alaala at representasyon ng debosyon ng malayang proceso at istruktura.

Sino si Walter Scott Price?

Si Walter Scott Price ay isinilang sa Philadelphia, Pennsylvania. Sa 17 taong gulang, pumasok siya sa U.S. Army at sa 21 taong gulang ay ipinalaga siya sa Pilipinas noong pagsimula ng digmaang Spanish-American. Ang katapusan niyang misyon bago nakuha ang pagtatapos sa army matapos ang digmaan noong 1901 ay nakilala at pinakasalan niya si Simeona Kalingag, isang Caviteña noong January 1, 1901, bilang isang negosyante, nakita niya ang potential na makapagsimula ng negosyo. Nagdesisyon siya na manirahan sa Tacloban, Leyte at sinimulan niya ang Leyte Transportation Company, Limited (Letranco) at ang Bazar Gran Capitan, sa ibang aspeto ng negosyo.
Sa walang oras, Walter Scott Price ay nagtagumpay sa kanyang negosyo at naging prominenteng mayamang tao. Naging masaya siya sa pagiging mayaman at hindi nahiya sa kanyang pinaghirapang tagumpay. Nagtayo si Price ng isang engrandeng mansion sa Tacloban at sa distrito ng Paco sa Manila para sa kanyang asawa at sa kanyang pitong lumalaking anak (Sa katunayan, si Mrs. Price ay nanganak ng 18 na sanggol pero 11 lang ang nabuhay). Dahil sa kanyang mga mansion ay naging popular siya dahil maraming mga kasiyahan ang nangyayari dito tulad ng mga pagtitipon, political man o lokal.
Si Walter Scott Price ay binansagang "Hari ng Leyte". 6 na talampakang taas, lahat 225 lbs., at laging magara ang kanyang kasutoan. Siya ay kumikilos at namuhay na parang hari! Pero sa lahat nga kanyang kayamanan, kapangayarihang sosyal at political, si Walter Scott Price ay mas pinatandaan bilang mapagbigay at masayahin na tao. Mahal siya ng mga tao dahil lagi siyang puno ng buhay, laging handang ngumiti at marunong tumulong sa mga nangangailangan.
Nang umatake ang Hapon sa Tacloban, Si Walter Scott Price ay dinala kasama ang ibang mga bilanggong Amerikano sa Santo Tomas Prison Camp. Dapat kasama siya sana sa pangalawang eskapo pero hindi siya nagtagumpay. Talagang naging mahirap ang kalagayan niya sa bilangguan at nagkasakit siya ng beri-beri at dysentery. Nang sa wakas na napalaya siya ng mga Hukbong Amerikano, ang noong mabigat na Walter ay naging payat na payat na 95 lbs. Dinala siya kaagad sa ospital pero dahil sa pinahirapan siya ng labis ay pagkatapos ng ilang linggo, ay namatay si Walter noong March 18, 1945. Siya ay 68 na taong gulang. Simeona, ang asawa ni Walter ay namatay noong August 30, 1973, apat at kalahating buwan matapos ang kanyang isang daang taong kaarawan, 28 taong pagkatapos mamatay si Walter.
- ngisi
- langaya
- dagao

Saturday, September 13, 2008

Sarili Muna Bago Bayan Revolution



"kung nagawa nila noon, kaya rin natin ngayon"



Una sa lahat, ano ba ang rebolusyon? Ang rebolusyon ay isang kilusan kung saan ipinaglalaban mo ang iyong mga adhikain. Mga adhikaing sa paniniwala mo’y makakatulong sa pag- unlad ng tao, sa pag- unlad ng bayan… sa pag- unlad ng bansa.

Ano na ba dapat ang maging dahilan ng rebolusyon ngayon?

Tapos na ang panahon ng ga Espanyol, wala na sila. Wala na rin tayo sa control ng mga Americano… higit sa lahat, wala na rin ang dating tensyon sa gitna ng mga Filpino at mga Hapones… nag sasarili na ang Pilipinas…Wala na ba talaga tayong mga dahilan na sa tingin natin ay makakatulong sa bansa? Sapat na ba na alam nating wala na tayo sa kamay ng ga mananakop?

O, di naman kaya’y hanggang ngayon ay hawak parin nila tayo sa mapaglaro nilang kamay?

Wala na nga ang mga dayuhan, pero, ang isipan natin ay bilanggo parin ng ng mga mananakop. Nasaan na ang pagiging makabayan nating mga Filipino?! Nasaan na ang nasyonalisong hinihingi sa’tin ng inang bayan? Nasaan na ang simpatya natin para sa bansang Pilipinas?!

Tiwala nga sa sarili ay wala na sa atin, ano pa kaya ang tiwala natin sa bayan?

Sa kasalukuyan, libo- libong Filipino ang lumuluwas sa ibang bansa dahil sa pagiisip na wala na silang magandang kinabukasan sa Pilipinas. Halos lahat ay kumukuha ng kurso nasa pag tatapos nila ay makaka pag-abroad sila kaagad. Isa pa yan. Ang pamahalaan ay nagbubulagbulagan sa cancer na unti- unting pumapatay sa bayan. Ang cancer ng pagkawala ng nasyonalismo ng mga Filipino.

Nakakatawa ang pag “appreciate” ng pamahalaan sa mga OFW. Tinuturin pa nga silang makabagong bayani dahil sa pinapasok nilang dolyares sa bansa. Pero, diba, upang ikaw ay maturing na bayani, dapat ay may ginawa ka na sakripisyo para talaga sa bayan?

Kawalan ng tiwala sa pamahalaan ang dahilan ng pag luwas ng mga Filipino.( Tapos pinaparangalan sila ng pamahalaan? Tsk tsk tsk…)Iniisip lang naman nila na matulungan ang pamilya… ang “tulong” nila sa bansa ay di naman talaga sinadya. Epekto lang ito at hindi ang s’yang tunay na layunin.

Gusto naming ipaglaban ang nasyonalismo. Gusto naming ibalik ng mga Filipino ang tiwala nila sa bayan. gusto naming maipagmalaki uli ng mga tao na sila ay Filipino.

Hindi ito mangyayari kung hindi sa isa’t- isa sa atin magmumula ang pagbabago. Walang mangyayari sa bansa kung hindi natin sisimulan ang rebolusyon laban sa ating sarili. Rebulosyon laban sa sarili nating kawalan ng tiwala, laban sa pag-iisip na kolonyal.

Wala talagang mangyayari sa atin kung ang nasa isip lang natin ay mas magaling ang mga dayuhan, walang mangyayari sa atin kung ang nasa isip lang natin ay wala tayong magagawa.

Magsisimula kami ng rebolusyon laban sa mga Filipinong walang tiwala sa sarili, sa mga Filipinong pinapabayaan ang bayan, sa mga Filipinong ayaw mag simula ng rebolusyon para sa sariling pagbabago!

Tatawagin naming an gaming rebulosyon na “Sarili muna Bago Bayan”…dahil kung walang magandang pagbabago sa sarili, wala kang maitutulong sa bayan!

Dagao=)

Pilipino, Kilos na


Noong Hunyo 21, 1896, Si Jose Rizal ay binisita ni Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan, upang ipaalam sa kanya ang binabalak na pag-aalsa ng mga Katipuneros sa pangunguna ni Bonifacio. Ngunit hindi sumang-ayon si Rizal at tahasang sinabi ang kanyang pagtutol dito. Ayon sa kanya, ang rebolusyong kanilang binabalak ay magiging sanhi lamang ng kamatayan ng maraming Pilipino at hindi ng inaasam-asam na kalayaan. Hindi pa raw lubusang handa ang mga Pilipino na labanan ang mga dayuhang mananakop, ang mga mararahas na Espanyol. Ngunit ayon kay Valenzuela ay hindi na maiiwasan ang rebolusyon, sisiklab at sisiklab ito, lalung-lalo na kung malalaman na ng mga Espanyol ang binabalak nilang ito. Ika nga "walang sikretong hindi nabubunyag."
Dahil dito napagtanto ni Rizal na determinado na talaga ang mga pinuno ng rebolusyon sa bibabalak nitong pag-aalsa. Kaya inutusan niya si Valenzuela na hingin muna nila ang suporta ng mga mayayaman at mga maimpluwensiya sa Manila upang mapalakas at mapagtibay ang kanilang mga binabalak.
Samakatuwid wala ring nagawa si Rizal upang pigilan ang umuusbong na pag-aalsa, sa halip ay binigyan pa niya ng payo si Valenzuela kung paano mapagtitibay ang binabalak ng mga rebolusyonaryo.
..............
Kung Ikaw si Rizal, susuportahan mo ba ang rebolusyon?
Kung maibabalik ko man ang panahon at mababago ang aking katauhan at maging si Rizal, at kung maririnig ko man ang mga binitiwang salita ni Valenzuela. Iisa lang ang magiging sagot ko, "kaakibat niyo ako sa bawat laban para sa bayan."
Bakit? Sapagkat ayon na nga sa tunay na Rizal hindi pa sapat ang kakayahan ng mga Pilipino upang lumaban at kailangan pa ang suporta ng mga mayayaman at ng mga maimpluwensiya. At kung ako, bilang Rizal ay ipagkakait ang aking pagsang-ayon, mas lalo lamang mababawasan ang disin sana'y pinagkuhanan ng lakas ng mga Pilipino.
Oo nga't, di sapat ang mga armas ng mga Pilipino at di pa sapat ang kakayahan at ang kagamitan sa pakikipaglaban, ngunit kung di rin kikilos agad at maghihintay pa sa pag-unlad ng kakayahan ng bawat isa, baka di pa nga ito nakakamit ay kapwa nakahinto na ang pagpintig ng mga puso ng bawat isa. Sapagkat ang mga Espanyol, dahil sa pagiging gahaman, ay mismong buhay na ng mga Pilipino ang kinuha. Ika nga "kung magagawa naman natin ngayon,bakit ipagpapabukas pa."
Samakatuwid, bilang Rizal na nakakaangat sa kaalaman at pagmamahal sa bayan. Mas gugustuhin kong ako mismo ang sumuporta at magpalakas ng loob ng aking mga kababayan kaysa maghintay pa sa ibang mga mayayaman at maimpluwensiya na wala rin namang kasiguraduhan na susuporta.
At isa pa hindi ko rin masisikmurang makita ang aking mga kababayan na naghihirap sa kamay mg mga dayuhan na kung tutuusin ay wala namang karapatan sa kanilang tinatapakang lupa.
Oo, inaamin kong hindi lamang dahas ang sagot sa pagtamo ng kalayaan ngunit hahayaan na lang ba natin na tayo ay makaranas ng karahasan galing sa mga Espanyol?
Ayon kay Antonio Pigafetta, tayo ay mabalasik,di-sibilisado, mabangis at kung ituring tayo'y parang mga hayop, ngunit kung tutuusin tama bang tawagin tayo ng ganun, tayo na tinaggap sila sa ating lupain, samantalang sila, na kung tutuusin ay nakikitira lamang ay siya pang nang-aalipin at bumibihag sa atin.
At kung patuloy tayong magpapaubaya, makakamit ba natin ang kalayaan? Sa ugali ng mga Espanyol noon, ay di sapat ang salita lamang. Kaya nararapat lamang na may gawin tayo. At ano ito? Puwersa. Oo, para sa akin ay ito nga, sapagkat naniniwala ako na mas mabuti pang mamatay ng may ipinaglalaban kaysa manitiling naghihirap sa kamay ng mga mapang-api at mapang-aliping dayuhan.
Bilang patunay, gawin nating halimbawa si Lapu-lapu sa simula pa lang ay hindi na niya hinayaan na masakop ang kanyang mga nasasakupan at upang magawa ito, nakipaglaban siya kahit pa sa kabila ng katotohanang kailangan niyang ibuwis ang kanyang buhay at maging ng kanyang mga tauhan. At kapalit nga nito'y kamatayan at pagwawakas ng pananakop ni Magellan.
Nariyan din ang mga Muslim sa Mindanao, na sa loob ng maraming taon ay naging marahas sa mga dayuhan. Oo nga't marami sa kanila ang nagbuwis ng buhay ngunit ano ang naging kapalit, ang kanilang kalayaan at pananatili ng kanilang mga iniingat-ingatan at pinahahalang tradisyon at kultura magpasahanggang ngayon.
Samantalang ang iba sa atin na naging bukal ang pagtanggap sa kanila, ay ano ang nangyari? Naging alipin, sunud-sunuran na para bang kanilang mga pagmamay-ari. Makatao pa ba iyon? di ba hindi?
At kung tayo man ay maging marahas sa kanila, makatarungan pa rin itong maituturing sapagkat tayo ay may ipinaglalaban, hindi lamang para sa ating sarili kundi pati na rin sa mga susunod pang henerasyon.
At kung naging maaga pa ang pakikibaka, disin sana'y di tayo umabot sa punto na mismong kapwa natin Pilipino ay ating kalaban tulad ng mapasahanggang ngayon ay ang suliranin sa pagkakahati ng mga Pilipino, ng mga Kristiyano at Muslim.
Dapat noon pa man ay naging mapagmasid na tayo, na tayo ay nililinlang lamang at hidi inaakay tungo sa ating kaunlaran. Tayo ay pinakaitan ng kalayaan at upang makamit ito?
Dapat ay kumilos tayo. Hidi bukas, kundi NGAYON.

-guti-

Sunday, August 17, 2008

Pinakamalakas na Sandata ng mga Espanyol: Kristiyanismo nga ba?

Tumagal nang humigit kumulang tatlong daang taon ang panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas at hindi maikakaila na nagkaroon ito ng malaking impluwensya sa ating bansa.

Bakit at paano nga kaya nila nagawang magtagumpay?

Tiyak ko na marami ang kadahilanan sapagkat nasakop nga nila tayo sa loob ng napakahabang panahon.

Sa panahon ng kolonisasyon, makikita na nagkaroon ng sentralisadong pamahalaan sa bansa. Ang pagbubuwis, sapilitang paggawa, sistemang encomienda, at kalakalang galleon ay ilan lamang sa mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol. Naimpluwensyahan din tayo ng mga dayuhan sa ating salita, pagkain, pananamit, kultura, at mga paniniwala. At marahil ay alam ng lahat na ipinalaganap nila ang relihiyong Kristiyanismo o Katolisismo sa ating bansa.

Sa aking palagay, ang Kristiyanismo ang naging daan tungo sa tagumpay ng Espanya. Sa panahong iyon, wala namang ibang organisadong relihiyon ang mga katutubong Pilipino maliban sa lumaganap na Islam sa Timog. Ang simbahang Katoliko at ang pamahalaan ay magkaagapay sa pagpapatupad sa mga polisiya. Nagsisilbing tagpagpatayo ng mga panrelihiyong gusali at institusyon ang gobyerno kaya lalo pang napabilis and pagpapalaganap sa Katolisismo. Nagkaroon din ng Spanish-Tagalog na Doktrinang Kristiyano, gawa ni Padre Juan de Placencia, na nakatulong sa mas madaling konbersiyon ng populasyon sa Maynila.

Ang totoo ay mas marami pa nga ang mga pari at mga misyonaryo kaysa sa mga sundalo at guwardiya sibil sa bansa sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Kung tutuusin, higit na mas malaki ang populasyon ng mga katutubo. Ngunit sa kabila nito, wala pa ring nagawa ang mga Pilipino upang tahasang malabanan ang mga mananakop sa kanilang panggigipit at pagpapahirap. Sa aking palagay, naging mautak lang talaga ang mga Espanyol sa pamumuno.

Sa aking obserbasyon, malaki ang papel ng paniniwala sa pagkatao ng isang indibidwal. Kapag ang utak at damdamin ang naiimpluwensyahan, maaaring magkaroon ng mga pagbabago ukol sa iyong mga pinaniniwalaan. Sa kabilang banda, sa tingin ko, mabuti naman ang naging kabuuang epekto ng relihiyong Kristiyanismo sa atin. Sa ngayon, nadudulot ito ng pagkakaisa, kahit papaano, sa mga mamamayang Pilipino sa panahon ng krisis at kahirapan.
_langaya_

LimA, +1 na mGa DAhiLAn kUnG BAkIT aYaw KonG MABUhay SA paNAhon Ng mGa EspAnYoL


Ipagpapalit mo ba ang buhay mo sa kasalukuyan upang maranasan ang uri ng pamumuhay sa panahon ng mga Espanyol? Bakit?

Hindi ah!
Ang hirap kaya ng buhay no’n. dapat ka pang yumuko pagnakakita ka ng gwardiya sibil. Ayoko talaga kahit sabihin pa nila na pwede kong makausap si Rizal kung papayag ako
.

Sabihin nalang natin na ang kasalukuyan kong estado sa kumonidad ay siya ring magiging estado ko sa nakaraan, mahihirapan talaga ako. Bakit ako mahihirapan? Bakit ayokong mamuhay sa panahong yaon?

Una, dahil sa ako ay KARANIWANG PILIPINO, o indyo, filibustero, o kung ano pang gusto nilang itawag sa akin. Sa dugo kong purong pinoy, mamaliitin talaga nila ako… lalo na sa kulay ng ating balat- kayumanggi. Hindi naman ako ang gaya ni Rizal na mestizo na may kayang makapag-aral sa labas ng bansa. Ngayon, libre naman ang pag-aaral, at hindi ko na kailangang lumuwas pa ng bansa upang makakamit ng magandang uri ng edukasyon.

Pangalawa, dahil sa mga BUWIS na sinisingil nila. Makapagmay- ari ka lang ng kahit isang kalabaw ay papatawan ka na ng pakalakilaking buwis. Ang higpit- higpit pa sa pangungulekta kung saan mabubutas talaga ang bulsa ng pantaloon mong wala nangang bulsa .E, kung I kukumpara ngayon, mataas nga ang buwis, ‘di naman gano’n kahigpit ang pagsingil… at kung magbabayad ka man, kahit papano, may babalik sayo ‘di gaya noon na wala talaga. Lahat ng binabayad mo, sa bulsa lang ng maga opisyales mapupunta, o di kaya’y sa bansa ng mga mananakop.

Pangatlong dahilan kung bakit ‘di ko ipagpapalit ang ngayon ay dahil sa MAHIHIGPIT at NAGMAMALABIS nilang mga patakaran. Gaya nga ng nasabi ko na, dumaan lang ang isang gwardiya sibil, todo yuko na kung hindi, paghahagupit sa plasa ang matatamo… at may patakaran pang kailangan talagang maglagay sa koleksyon ng simbahan… Mayroon ba talagang SAPILITANG pagbibigay ng DONASYON sa simbahan? At, sila pa ang nagtatakda kung anong oras ka dapat matulog… pano nalang pag may kasiyahan o di kaya’y ayaw mo pang matulog?

Pangapat, NAKAKABAGOT ang buhay nila. Oo nga’t may mga senakulo, palabas at pista kung kelan masaya lahat, pero, ano naman ang katuwaan kung walang pista o iba pang okasyon? Gong? Wala noong telebisyon, cellphone at computer, kaya wala talagang kasiyahan. May sabong nga, para lang naman yon sa mga lalaki, ayoko namang magburda lang sa loob ng bahay… at wala pang karapatan ang mga babae. Na parabang gamit lang sila sa bahay na gagamitin lang kung kailangan.

Lima, ang paraan ng kanilang HUSTISYA. Pag Filipino ka, kahit yung banyaga ang may kasalanan, ikaw ang may sala, ikaw ang makukulong. At kahit wala ka pang kasalanan, di ka na dapat magtaka pa kung isang araw ay kakaladkarin ka palabas ng bahay dahil may nagawa kang di kasiyasiya para sa mga prayle…

+1 Kung Filipino ka, kahit napakatalino mo, kahit anong husay mo, kung halimbawa sa isang palaro ikaw ang nanalo, babawiin talaga ng gintong medalya dahil… Filipino ka. Aba, ayoko yata ng gano’n. e kung sa ako talaga ang nanalo, wala nang bawian…
-dagao

Friday, August 15, 2008

Rebelyon ng mga Pilipino sa mga Espanyol

Ang mga institusyon ng Espanya kagaya ng pagbabayad ng buwis, sapilitang pagtatrabaho, galleon trade, indulto de comercio, at monopoliya sa tobacco at mga inumin ang mga nagging dahilan kung bakit nagkaroon ng rebelyon ang mga Pilipino sa mga Espanyol. Ang mga pinakamatinding rebelyon ay naganap noong ika labing-anim na siglo na pinangunahan ni Magalat; ni Sumodoy o Sumoroy at rebelyon ng Caraga noong ika labing pitong siglo; rebelyon ni Magtangaga, Palaris, Silang, at Samal mutiny noong ika labing walong siglo; at rebelyon ng Ambaristo noong unang dekada ng ika labing siyam na siglo.

Si Magalat, pinuno ng Tuguegarao (Cagayan), kasama ng kanyang lalaking kapatid, ang siyang nangunguna sa mga Cagayanos na magkaroon ng rebelyon. Ngunit hindi nagtagumpay ang rebelyon ni Magalat nang isa sa kanyang kasama ay binayaran ng mga Espanyol upang patayin siya. Sa silangang bahagi ng Mindanao ay nagkaroon din ng rebelyon sa Caraga dahilan sa hindi makatarungang pangongolikta ng bigay kagaya ng isang pambot na bigas na ibinibigay sa mga encomiendas sa loob ng tatlumpung taon. Si Juan Ponce Sumodoy, datu ng Catubig, at si Pedro Camaug, ang namumuno sa rebelyon na kumalat sa Samar, rehiyon ng Bicol, Leyte, sentral na bahagi ng Visayas, at hilagang bahagi ng Mindanao. Ngunit hindi pa rin nagtagumpay si Sumodoy dahil siya ay nadakip at pinutulan ng ulo na iprenisenta sa Alkalde Mayor ng kanyang dalawang dating kasamahan. Noong ika labing walong siglo, ang hilaga at sentral na bahagi ng Luzon ay naghirap dahil sa kunti lang ang naaani ng mga magsasaka. Nadagdagan din ang kanilang kahirapan nang ang kanilang Alkalde Mayor ay humihingi ng bigay na bigas at pagkakaroon ng sapilitang pagtatrabaho. Ito ang naging dahilan kung bakit si Luis Magtanganga ay nagkaroon ng rebelyon upang mapatalsik ang kanilang Alkalde Mayor, ngunit hindi siya nagtagumpay.

Ganito din ang mga dahilan ng ibang pinuno kung bakit sila nagkaroon ng rebelyon laban sa mga intitusyon na itinatag dito sa Pilipinas.


Mga Karagdagan…

Si Tamblot ng Bohol ay gumamit ng mahika at relihiyon upang iwanan ng mga tao ang pagiging Kristiyano at bumalik sa kanilang dating paniniwala. Naniniwala siya na ang mga kaluluwa ng kanilang ninuno at mga diwatas o anitos ay tutulong sa kanila. Si Bankaw , datu ng Limasawa, ay gumamit din mahika upang madaling talunin ang mga Espanyol. Si Dagohoy ng Bohol ay nagkaroon ng rebelyon dahil sa pagtanggi ng pari na bigyan ng Kristiyanong libing ang kanyang kapatid. Si Tapar ng Iloilo at Apolinario de la Cruz ay nagkaroon din ng rebelyon dahil sa relihiyon.
-ngisi-